Verona

Sunday, May 15, 2005

Ang init!!!!

It's a dog-day summer. Hot, torpid and sticky.

Hindi nakakatuwa ang panahon nitong mga nakalipas na araw. Mainit. Malagkit. Maalinsangan. Kahit sa gabi dama mo ang singaw ng init na nanuot sa lupa, sa pader, sa lahat ng bagay. Pati ang hamog ay uhaw, tuyo at pilit. Kung may hangin man, mas nanaisin mo pang wala na lang. Parang hininga ng apoy ang hangin. Galit na binabalot ka sa init at pilit na hinihipan ng mala-impyernong simoy nito.

Minsan mababaliw ka sa pag-agaw ng ulan at di-pag-ulan. Matinding parusa sa sangkatauhang lunod sa kasalanan at kamunduhan. Singaw na nanunuot sa iyong katawan. Unti-unti kang sisilaban hanggang sa maglagablab at mandilim ang iyong paningin. Ang mga butil ng pawis na tumatagaktak at tila inuubos ang iyong kaalaman at kaisipan. Nakakasira ng ulo. Nakakaubos ng lakas at pasensya. Nakakatuyo ng kaluluwa.

Damn, it's hot.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home